HIRING! 80 SLOTS PARA SA FIELD OFFICERS AT SALES ASSOCIATES, BUKAS SA LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY NG ANGAT PESO
- Angat, Bulacan

- Jul 22
- 1 min read

Panawagan sa mga naghahahanap ng trabaho! Inanunsyo ng Public Employment Service Office (PESO) Angat ngayong Hulyo 22, 2026 ang nakatakdang Local Recruitment Activity (LRA) sa pakikipagtulungan ng kumpanyang Home Credit.
Gaganapin ang face-to-face interview sa Hulyo 29, 2026 (Miyerkules) sa PESO Office, New Municipal Building, San Roque, Angat, Bulacan.
Naghahanap ang kumpanya ng kabuuang 80 na aplikante para sa mga sumusunod na posisyon:
1. Field Officer / Collector (40 Vacancies)
Kwalipikasyon:
May sariling sasakyan o mode of mobility (motor, bisikleta, kotse, e-bike, atbp.)
May kumpletong pampamahalaang numero (SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, atbp.)
Mahusay sa pakikipagtalastasan at may magandang convincing skills
Tungkulin: Magsasagawa ng house-to-house visit para sa pagtanggap ng bayad mula sa mga kliyente sa Bulacan areas.
2. Sales Associate (40 Vacancies)
Kwalipikasyon:
Nakatapos ng hindi bababa sa High School o Grade 10
Bukas para sa walang work experience (magandang pakinabang ang may sales o frontline experience)
Mahusay sa pakikipag-usap at selling skills
Tungkulin: Mag-aassist sa mga customer ng Home Credit ukol sa loan processing.
Para sa mga interesadong aplikante, mag-register muna sa link na ito: https://forms.gle/1oXAz4vqY1xgFFd79
Ipaalala rin sa mga dadalo sa mismong araw ng interview na magdala ng updated resume at itim na ballpen. Para sa karagdagang impormasyon, magsadya lamang sa tanggapan ng PESO Angat.









Comments