Happy Father's Day
- Angat, Bulacan
- Jun 15
- 1 min read

Ngayong Araw ng mga Ama, ipinagdiriwang natin ang isang haliging hindi lang mapagmahal at mapagkalinga, kundi may tapang ding magdisiplina para sa ikabubuti ng lahat.
Dahil ang tunay na ama, hindi lang nagbibigay, kundi nagtutuwid. Hindi lang nakikinig, kundi nagpapasya. Alam niya na ang pagmamahal ay pagtuturo ng tama.
Katulad ng tunay na reporma, ang disiplina ay hindi para manakit, kundi para magtama. Hindi para kontrolin, kundi para ihanda sa mas maayos na kinabukasan. Ang pagbabago ay hindi panukala lang bagkus ay ginagawa ito, isinasabuhay, ipinaglalaban.
Sa lahat ng amang tunay na nagpapakatatag para sa pamilya at lipunan—saludo kami sa inyo.
Mabuhay ang mga ama ng disiplina, ng paninindigan, at ng pagmamahal 💙
Comments