HAPPY BIRTHDAY, KONSEHAL EDWIN!

Nagpaabot ng mainit na pagbati ang Sangguniang Barangay at ang buong pamayanan ng Sta. Lucia sa kaarawan ni Konsehal Edwin T. Cruz.
Pinasalamatan ng pamunuan ng barangay si Konsehal Cruz para sa kaniyang walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at patuloy na pagtataguyod sa mga programa para sa ikabubuti ng mga residente.
Kasabay ng pagbati, ipinagdasal din ng mga kabarangay at kapwa opisyal na patuloy siyang pagkalooban ng mabuting kalusugan, haba ng buhay, at gabay ng Poong Maykapal upang maipagpatuloy ang kaniyang tapat na paglilingkod sa Barangay Sta. Lucia.










Comments