Happy Birthday, Barangay Konsehala Ruffy Fernando!
- Angat, Bulacan
- 3 days ago
- 1 min read

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa kaarawan ang ipinaabot ng Pamahalaang Barangay ng Sulucan para sa isa sa kanilang masisipag na katuwang sa pampamahalaang paglilingkod, si Barangay Konsehala Ate Ruffy Fernando.
Ang pagbati ay pinangunahan ni Igg. Punong Barangay Richard Castro Cruz, Sangguniang Kabataan (SK) Chairman Alex Cruz Hernandez, kasama ang buong Sangguniang Barangay, SK Council, at ang mga barangay volunteers.
Kinilala at pinasalamatan ng buong pamunuan ang walang-sawang dedikasyon ni Konsehala Fernando sa pagtulong sa mga nangangailangan at sa kaniyang tapat na paglilingkod sa buong nasasakupan ng Barangay Sulucan. Kasabay ng kaniyang kaarawan, nag-alay ng taos-pusong panalangin at wish ang kaniyang mga kasamahan sa serbisyo.





