top of page
bg tab.png

HAPPENING NOW! LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY NG HOME CREDIT, KASALUKUYANG ISINASAGAWA SA ANGAT PESO


Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, Hulyo 29, 2026 ang Local Recruitment Activity (LRA) sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) Angat at ng kumpanyang Home Credit.


Gaganapin ang face-to-face interview sa PESO Office, New Municipal Building, San Roque, Angat, Bulacan.


Naghahanap ang kumpanya ng kabuuang 80 na aplikante para sa mga sumusunod na posisyon:

1. Field Officer / Collector (40 Vacancies - Bulacan Areas)

  • Kwalipikasyon:

    • May sariling sasakyan o mode of mobility (motor, bisikleta, kotse, e-bike, atbp.)

    • May kumpletong pampamahalaang numero (SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, atbp.)

    • Mahusay sa pakikipagtalastasan at may magandang convincing skills

  • Tungkulin: Magsasagawa ng house-to-house visit para sa pagtanggap ng bayad mula sa mga kliyente.

2. Sales Associate (40 Vacancies - Bulacan Areas)

  • Kwalipikasyon:

    • Nakatapos ng hindi bababa sa High School o Grade 10

    • Bukas para sa walang work experience (magandang pakinabang ang may sales o frontline experience)

    • Mahusay sa pakikipag-usap at selling skills

  • Tungkulin: Mag-aassist sa mga customer ng Home Credit ukol sa loan processing.


Para sa mga habol at interesadong aplikante, mag-register lamang sa link na ito: https://forms.gle/1oXAz4vqY1xgFFd79


Magsadya na sa PESO Office at huwag kalimutang magdala ng updated resume at itim na ballpen para sa inyong face-to-face interview!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page