top of page
bg tab.png

Hairdressing Skills Training, Ginanap sa Angat


Nagpakita ng buong suporta ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista at Kon. William Vergel De Dios, kasama ang OIC PESO Manager na si Daizerina Pascual, para sa 22 mag-aaral na nagtapos sa limang-araw na Hairdressing Skills Training na nagsimula noong Pebrero 26. Sa ilalim ng gabay ni Ms. Angelita L. Mungcal, ang mga mag-aaral ay higit pang pinalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng rebonding, haircut, at hair treatment.

Ang naturang pagsasanay ay nagdulot hindi lamang ng kahusayan sa kanilang larangan kundi pati na rin ng sapat na kumpiyansa sa kanilang mga kakayahan. Bilang pasasalamat sa kanilang matagumpay na pagtatapos, ipinagkaloob din sa kanila ang kanilang mga pangunahing kagamitan sa hairdressing, na nagpapakita ng pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa kanilang tagumpay at pag-unlad.

2 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page