Sa seremonya ng groundbreaking ipinapakita ang simula ng mga makabuluhang proyektong imprastraktura na siyang sumisimbolo sa pagbabago, paglago, at pag-unlad. Ang patuloy na suporta at pakikilahok sa mga seremonyang ito ng mga opisyal ng gobyerno at miyembro ng komunidad ay mahalaga para sa pagpapaunlad ng isang positibong kapaligiran at pagkamit ng tagumpay ng proyektong ito.
Isinagawa ang Groundbreaking ceremony ng Taboc Multi-Purpose Building. Ito ay isang makabuluhang proyekto na naglalatag ng pundasyon para sa pagtataguyod ng pakikipag-ugnayan sa komunidad, sa lipunan, at pangkalahatang pag-unlad ng barangay maging ng ating bayan.
Ito ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Sangguniang Bayan Member, kinatawan ng ating Cong. Savlador Pleyto, Konsi Badong Pleyto, Sangguniang Barangay ng Taboc sa pangunguna ni Kap Dominador Agustin, Angat PNP, Angat BFP, mga Angat Kalusugan ng Barangay Taboc at mga pinuno at kawani ng ating Pamahalang Bayan.
Comentários