top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Graduation Ceremony ng ALS, Idinaos sa Municipal Gymnasium



Ang ika-15 na taong Pagtatapos ng Alternative Learning System (ALS) ay matagumpay na isinagawa sa Municipal Gymnasium, kung saan ipinagdiwang din ang ika-5 na taong Paglilipat antas na may temang "Kabataang Pilipino para sa matatag na kinabukasan ng Bagong Pilipinas.”

Dumalo sa programa sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Konsehal William Vergel De Dios, Konsehal Blem Cruz, District Supervisor Angelita C. Baltazar, EPSA II-ALS Edgardo C. Macarasig, ALS-Angat Tagapayo Marielyn Castillo, at mga kinatawan mula sa tanggapan ni Congressman Salvador Pleyto, Gobernador Daniel Fernando, at mga guro mula sa Matias A. Fernando Memorial School.

Sa ngalan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, ipinapaabot ang mainit na pagbati sa 191 nagsipagtapos ng ALS, na kinabibilangan ng 39 mula sa antas ng elementarya at 152 mula sa Junior Highschool.


Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Reynante S. Bautista ang kahalagahan ng patuloy na edukasyon sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng mga mag-aaral. "Ang mga kabataang magsisipagtapos ngayon ay minsang napagkaitan ng pagkakataong maipagpatuloy ang pag-aaral subalit dahil sa programang ALS ay muling nabigyan ng pagkakataon upang makapagpatuloy sa mataas na antas ng edukasyon," wika niya.


Dagdag pa niya, "Sa inyong pagtatapos sa yugtong ito ng inyong pag-aaral, inaasahan ko na patuloy kayong magpupunyagi upang makamit ang pangarap para sa inyong sarili, sa inyong pamilya, sa inyong komunidad na kinabibilangan, at para sa ating bayan. Lagi’t lagi ay ang aking paalala na huwag ninyong kalilimutang isama sa inyong pangarap ang ating bayan. Tanawin ninyo ang maaliwalas na kinabukasan, huwag sukuan ang anumang pagsubok na dumating, at gamitin ang inyong nakamit na kaalaman at tagumpay ngayon bilang armas sa pakikipagsapalaran tungo sa inyong magandang kinabukasan."


Ang programa ay naging simbolo ng bagong pag-asa at pagkakataon para sa mga nagsipagtapos, patunay na sa kabila ng anumang balakid, ang edukasyon ay nananatiling susi sa isang mas magandang kinabukasan.

1 view0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page