top of page
bg tab.png

Gift Giving at Feeding Program: Angat PNP, Naghatid ng Kalinga sa mga PUPC


Sa layuning maghatid ng kalinga at itaguyod ang kapakanan ng bawat mamamayan, matagumpay na naisagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang isang Gift Giving and Feeding Program nitong Abril 24, 2026, sa loob ng Angat Custodial Facility, Barangay San Roque, Angat, Bulacan.


Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Human Rights Affairs Office (HRAO) ng Angat MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, at sa direktang superbisyon ni PCPT MIRARI S. CRUZ, Deputy Chief of Police.


Ang matagumpay na programa ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng Solo Parents Association Inc., na pinamunuan ni Ms. Jonalyn L. Batugon, ang Pangulo ng nasabing samahan sa Angat.


Ang mga benepisyaryo ng aktibidad ay ang mga Persons Under Police Custody (PUPC) na kasalukuyang nasa kustodiya ng himpilan. Sila ay binigyan ng mga packed lunches mula sa Jollibee, kasama ang mga inumin at grocery items na tiyak na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang nasa pasilidad.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page