Gawad Linang 2025: Pagkilala sa Magigiting na Magsasaka ng Bayan ng Angat
- Angat, Bulacan

- Aug 22
- 2 min read

Malugod na ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang muling pagdaraos ng Gawad Linang 2025, bilang bahagi ng nalalapit na GulayAngat Festival 2025. Layunin ng Gawad Linang na bigyang parangal at pagkilala ang mga magigiting na magsasaka sa bayan ng Angat na nagpakita ng dedikasyon, husay, at kahusayan sa larangan ng pagsasaka.
Ang mga interesadong kandidato ay hinihikayat na bumisita sa Tanggapan ng Pagsasaka, na matatagpuan sa Ground Floor ng Angat Municipal Hall, at magsumite ng Bionote at simpleng Portfolio na magpapakita ng kanilang record, skills, abilities, at achievements sa larangan ng pagsasaka.
Patakaran at Regulasyon:
a. Bukas sa lahat ng ipinanganak o naninirahan sa Bayan ng Angat na may edad 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian.
b. Kinakailangang miyembro ng samahan ng mga magsasaka at nakikiisa sa mga adhikain ng nasabing samahan sa iba’t ibang antas.
c. Hindi maaaring kawani o opisyal ng pamahalaan.
d. May Good Moral Character.e. Hindi delikwente sa pagbabayad ng utang.
f. Nakatala sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA).
g. May maayos na dokumentasyon ng mga gastos at kita kaugnay ng gawain sa pagsasaka, upang masukat ang relatibong pag-unlad sa larangan ng agrikultura.
h. May isang (1) ektarya pataas na sakahan at kasalukuyang tanim.
i. Gumagamit ng angkop na teknolohiya at pamamaraan sa pagsasaka, at tagapagsulong ng ligtas at sustenableng pamamaraan.
j. Wastong paggamit ng lahat ng natatanggap mula sa pamahalaan.
k. Maayos ang imbakan ng mga kagamitan sa pagsasaka.
l. Hindi maaaring makilahok ang mga nakatanggap na ng karangalan sa nagdaang GULAYANGAT Festival.
m. Tatanggap lamang ng 10 nominado.
Gantimpala:
Gawad Linang Awardee – Php 25,000 + Plaque + Certificate
Two (2) Special Citation – Php 10,000 + Plaque + Certificate
Seven (7) Consolation Prizes – Php 3,000 + Certificate
Ang Gawad Linang 2025 ay isang konkretong hakbang upang ipakita ang pagpapahalaga ng bayan sa mga magsasaka na nagbibigay buhay at kabuhayan sa komunidad. Ang bawat nominasyon ay simbolo ng dedikasyon, kasipagan, at malasakit sa agrikultura at kaunlaran ng Bayan ng Angat.









Comments