top of page
bg tab.png

Gawad Kalasag Seal of Excellence-Fully Compliant, Iginawad sa Bayan ng Angat


Ang Bayan ng Angat ay ginawaran ng prestihiyosong Gawad Kalasag Seal of Excellence-Fully Compliant. Ang pagkilalang ito ay nagtala ng kauna-unahang pagkakataon na tinanggap ng ating bayan na naglalarawan ng kahusayan sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad at sakuna.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng masigasig na pagganap ng mga kawani ng pamahalaan ng Angat at ng matapat na pakikiisa ng mga mamamayan sa mga programa at hakbang ng bayan upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng bawat mamamayan.


Sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, kasama ang MDRRM assistant na si Carlos Rivera, personal na tinanggap ang nasabing parangal sa isinagawang programa sa Asean Convention Center, Clark Freeport Zone, Pampanga. Ipinakita ng tagumpay na ito ang kahandaan at husay ng pamahalaang lokal ng Angat sa pagharap at pagtugon sa mga hamon ng kalamidad at mga pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page