Muling isinagawa sa barangay Taboc ang programa na isinusulong ng ating Pamahalaang Bayan na "Gamutan sa Barangay para AReglado ang Kalusugan".
Ito ay ang pang labindalawang barangay na naiikot at nabigyan ng serbisyo medikal. Hangad ng ating Pamahalaang Lokal na lubos na maibaba ang mga serbisyo na kinakailangan ng bawat Angatenyo.
Maraming salamat muli sa mga miyembro ng Angat Kalusugan na ating katuwang at matiyagang umiikot sa mga barangay upang ipaalam ang medical mission na isasagawa. Sa pamamagitan nito, mas naihahatid at naipapaalam sa ating mga kababayan ang serbisyong medikal na angkop para sa kanila.
Ang libreng gamutan ay pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Health Office na siyang pangunahing kaagapay ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin, gayundin ang Sangguniang Bayan Members.
Comentários