Muling isinagawa ang programa na isinusulong ng ating Punong Bayan "Tanggapan ng Kalusugan: Gamutan sa Barangay para AReglado ang Kalusugan” sa Barangay Marungko. Kung saan nagkaroon ng libreng Check-up, laboratory, Dental at Eye Check-up, at pamimigay ng libreng gamot.
Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin at Sangguniang Bayan Members at mga kawani mula sa ating Municipal Health Office sa pangunguna ni Dra. Guillerma Bartolome.
Taos pusong pasasalamat sa mga miyembro ng Angat Kalusugan na naging katuwang sa bawat gamutan upang mangalap ng mga datos para sa isasagawang medikal mission.
Nais ng ating Pamahalaang Lokal na maihandog sa buong komunidad ang serbisyo medikal na higit na kinakailangan ng bawat Angatenyo. Dahil buo ang paniniwala ng ating Punong Bayan na “Ang malusog na mamamayan ang bubuo sa malusog at maunlad na bayan!”
コメント