top of page
bg tab.png

Galing sa Musika at Serbisyo Publiko, Pinarangalan sa Flag Raising Ceremony


Naging makabuluhan ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pamahalaang Bayan ng Angat matapos maging lunsaran ito ng pagkilala sa natatanging talento at tapat na paglilingkod ng mga Angateño.


Ang naturang programa ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office, sa pakikibahagi nina Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, Konsehal JP Solis, mga kinatawan mula sa Angat PNP at Angat BFP, mga pinuno ng iba't ibang departamento, at lahat ng kawani ng pamahalaang bayan.



Bilang bahagi ng seremonya, opisyal na nagbigay-pugay ang lokal na pamahalaan sa Sta. Monica Parish Chamber Singers, sa pamumuno ni Choir Master Aica H. Lalic. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang pagwawagi ng Silver A Diploma Award sa katatapos lamang na Sing Tarlac Sing 2026, isang prestihiyosong pambansang patimpalak sa pag-awit na nilahukan ng mga pinakamahuhusay na koro sa Pilipinas.


Ayon sa pamahalaang bayan, ang tagumpay ng grupo ay patunay ng kahusayan at dedikasyon ng mga lokal na musikero na nagsisilbing malaking inspirasyon at kapurihan para sa buong Angat.


Kasabay nito, binalot din ng emosyon at pasasalamat ang programa sa pagbibigay-pagkilala kay Dra. Guillerma "Emma" Bartolome para sa kanyang mahigit 33 taong tapat at mahusay na paglilingkod sa Pamahalaang Bayan ng Angat.


Kaugnay ng kanyang nalalapit na pagreretiro, ipinaabot ng buong lokal na pamahalaan ang kanilang pinakamalalim na pasasalamat sa hindi matatawarang dedikasyon, malasakit, at serbisyong inilaan ng doktora para sa kalusugan at kapakanan ng sambayanang Angateño.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page