top of page
bg tab.png

Gabay sa Pagpili ng Kurso at Trabaho, Matagumpay na Isinagawa sa Angel M. Del Rosario High School

3 days ago
1 min read

Matagumpay na idinaos ng Public Employment Service Office (PESO Angat) ang afternoon session ng Career Development Support Program (CDSP) para sa mga mag-aaral ng Grade 10 at Grade 12 sa Angel M. Del Rosario High School (AMDRHS) sa Barangay Pulong Yantok, Angat, Bulacan.



Sa buong suporta ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, naging tagapagsalita sa aktibidad si Mr. Peter Jaimond B. Matulac mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). Nagkaloob ito ng angkop na career guidance para sa mga estudyante batay sa kanilang antas ng pag-aaral:

  • Grade 10: Pagtatalakay sa Labor Market Information at Youth Employability upang gabayan ang mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang Senior High School track batay sa pangangailangan ng industriya.

  • Grade 12: Pagsasanay ukol sa Labor Education for Graduating Students (LEGS) at First Time Job Seekers Act (RA 11261) upang bigyang-kaalaman ang mga nalalapit na magtapos hinggil sa karapatan sa paggawa at libreng pagpoproseso ng mga dokumento sa gobyerno.


Nagpaabot ng pasasalamant ang PESO Angat sa pamunuan ng paaralan sa pamumuno ni Principal Mark Lee C. Sarmiento, kay DOLE Bulacan Chief Jose Roberto L. Navata, at sa buong pangkat na naging katuwang upang maging maayos at matagumpay ang naturang programa.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page