Foot Patrol at Police Visibility, Isinagawa ng Angat MPS sa Barangay Sta. Cruz
- Angat, Bulacan

- Jul 29
- 1 min read

Upang patuloy na mapanatili ang kaayusan at tiyakin ang seguridad ng mga mamamayan, naglunsad ng Foot Patrol ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa paligid ng 7-Eleven sa Barangay Sta. Cruz ngayong Hulyo 29, 2026, simula ika-9:12 ng umaga.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, sa ilalim ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang regular na paglalakad-patrolya sa mga matataong lugar at pampublikong pasilidad ay may mahalagang layunin para sa pampublikong kaligtasan.
Binigyang-diin ng Angat MPS na ang patuloy na pagsasagawa ng foot patrol sa iba't ibang barangay ay bahagi ng kanilang walang humpay na komitment na mapalapit sa mamamayan at mabilis na makatugon sa anumang usapin sa seguridad sa buong bayan ng Angat.









Comments