Flag Raising Ceremony sa Angat, Pinangunahan ng PNP
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read

Upang simulan ang linggo nang may disiplina at pagpapala, matagumpay na idinaos ang lingguhang pagtataas ng watawat sa harapan ng Gusaling Pamahalaan ng Angat ngayong ika-20 ng Abril, 2026.
Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ng mga kawani mula sa Angat PNP, katuwang ang ating Punong Bayan, Kgg. Reynante "Jowar" S. Bautista. Nakiisa rin sa mahalagang aktibidad na ito sina Kon. Blem Cruz, Kon. JP Solis, Kon. Ramiro Osorio, gayundin ang mga tauhan mula sa Angat BFP, mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan, at lahat ng kawani ng pamahalaang bayan.
Ang pagtataas ng watawat ay hindi lamang isang pormalidad, kundi isang paalala sa bawat lingkod-bayan ng kanilang sinumpaang tungkulin na maglingkod nang tapat at may pagmamahal sa bayan.
Pagkatapos ng seremonya, sinundan ito ng isang makabuluhang Bible Study sa pangunguna ng mga pastor mula sa Angat Christian Ministerial Association (ACMA). Ang gawaing ito ay naglalayong magbigay ng espiritwal na kalakasan at gabay sa mga kawani upang mapanatili ang integridad at malasakit sa kanilang araw-araw na paglilingkod sa mga Angatenyo.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito ng disiplina at pananampalataya, patuloy na itinataguyod ng Pamahalaang Bayan ang isang maayos at mapagpalang serbisyo para sa ikauunlad ng lahat.









Comments