Flag Raising Ceremony at Pamamahagi ng Garbage Trucks, Naging Matagumpay sa Angat
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan na mapaganda ang serbisyo sa komunidad, matagumpay na isinagawa ang turn-over ceremony ng limang (5) bagong garbage truck nitong Lunes, kasunod ng lingguhang Flag Raising Ceremony sa harapan ng Munisipyo.
Ang mga bagong kagamitan ay opisyal na ilalaan para sa mga barangay ng Laog, Binagbag, Sta. Lucia, Sto. Cristo, at Pulong Yantok. Ang hakbang na ito ay isang mahalagang bahagi ng programa ng pamahalaang lokal sa pagpapalakas ng Solid Waste Management at pagsisigurong mas magiging mabilis at epektibo ang koleksyon ng basura sa mga nabanggit na lugar.

Bago ang pamamahagi, pinangunahan ng mga kawani mula sa Market Office ang pagtataas ng watawat. Ang lingguhang aktibidad na ito ay nagsisilbing paalala sa lahat ng lingkod-bayan ng kahalagahan ng disiplina, pagkakaisa, at malasakit sa bawat Angatenyong pinaglilingkuran.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang pagbili ng mga bagong truck ay tugon sa lumalaking pangangailangan ng mga barangay para sa kalinisan. Layunin nito na hindi lamang mapanatili ang ganda ng kapaligiran, kundi pati na rin ang kalusugan ng bawat mamamayan.
Sa bawat konkretong hakbang na ito, patuloy na pinatutunayan ng Bayan ng Angat ang kanilang commitment sa pagbuo ng isang komunidad na mas maayos, mas malinis, at mas maunlad para sa lahat.









Comments