Flag Ceremony sa Bayan ng Angat, Pinangunahan ng Vice Mayor's Office
- Angat, Bulacan

- 6 hours ago
- 1 min read

Pinangunahan ng mga kawani mula sa Vice Mayor's Office ang lingguhang pagtataas ng watawat ngayong Lunes, Mayo 4, 2026, sa Bayan ng Angat.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, at ng mga kinatawan mula sa Angat BFP.

Dumalo rin upang magpakita ng suporta at magbigay-inspirasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Wowie Santiago, Konsehal JP Solis, at Konsehal Blem Cruz.
Ang lingguhang pagtitipon na ito ay patunay ng patuloy na pagkakaisa at pagmamahal sa bayan ng mga kawani ng gobyerno habang naghahanda para sa kanilang lingguhang paglilingkod sa mga mamamayan ng Angat.









Comments