FCA AT MAO ANGAT, MAGKASAMANG NAGLATAG NG MGA PLANO PARA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
- Angat, Bulacan

- Aug 3
- 1 min read

Upang higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura at mapabuti ang serbisyo para sa mga lokal na magsasaka, matagumpay na isinagawa ang Monthly Meeting para sa buwan ng Hulyo ng mga Farmers' Cooperative Associations (FCA) nitong Hulyo 31, 2026 sa Pire, Barangay Sta. Lucia, Angat, Bulacan.
Naging katuwang sa naturang pagtitipon ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat, na dinaluhan ng mga pangulo at opisyal na kinatawan mula sa iba't ibang samahan ng mga magsasaka sa buong bayan.
Pinangunahan ni FCA President Joseph H. Del Rosario ang talakayan kung saan binigyang-pansin ang mga sumusunod na mahahalagang punto:
Paglilinaw at ebalwasyon sa mga nagdaang aktibidad at proyekto ng pederasyon.
Paglalatag ng mga nakatakdang proyekto at inisyatibo na naglalayong magpasok ng mas maraming oportunidad para sa mga magsasaka.
Pagbuo ng mga estratehikong hakbang upang mapalakas ang agrikultura at tiyakin ang seguridad sa pagkain sa bayan ng Angat.

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang MAO at ang pamunuan ng FCA sa lahat ng mga dumalo at patuloy na naglalaan ng oras para sa ikauunlad ng kabuhayan ng bawat magsasakang Angatenyo.









Comments