Enforcement Training para sa Land Use and Zoning Ordinance, Matagumpay na Naganap
- Angat, Bulacan
- Jul 21
- 1 min read

Sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), matagumpay na naisagawa ang Enforcement Training for Land Use and Zoning Ordinance noong Hulyo 16–18, 2025 sa Royce Hotel & Casino, Clark Freeport, Mabalacat City, Pampanga. Layunin ng pagsasanay na ito na palalimin ang kaalaman ng mga lokal na opisyal at kawani hinggil sa mga regulasyon ukol sa tamang paggamit ng lupa at zoning ordinances.
Dumalo sa tatlong araw na pagsasanay ang buong Sangguniang Bayan ng Angat, mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan, kasama ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Engr. Jerome Del Rosario, OIC-Municipal Agriculture Officer Keanne Cyrene Mangcucang, at Municipal Assessor Jahdiel Gonzales, pati na rin ang mga kawani ng MPDO.
Ilan sa mga pangunahing tinalakay sa training ay ang mga sumusunod:
Mga proseso at regulasyon sa subdivision tulad ng residential, commercial, industrial, at memorial/cemetery classification
Tamang pagproseso ng zoning, locational clearance, development permit, land reclassification, at land reassessment
Mga design standards, kaukulang fees, penalties, at mga paglabag alinsunod sa umiiral na batas
Nagpapasalamat tayo sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa kanilang mahahalagang pagbabahagi ng kaalaman upang mas mapabuti ang implementasyon ng mga batas na ito sa ating bayan.
Kommentare