Elimination Round ng Singing Contest, Gaganapin sa Angat Food Park

Muling mapupuno ng musika at talento ang Angat Food Park 2026 sa nakatakdang pagsasagawa ng Eliminations Round ng Singing Contest ngayong Oktubre 15, 2026.
Magtatagisan ng galing sa pag-awit ang mga lokal na kalahok upang maghatid ng natatanging pagtatanghal at maipamalas ang kanilang angking boses sa unang yugto ng nasabing paligsahan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang patimpalak ay naglalayong magbigay ng magandang entablado para sa mga mahuhusay na mang-aawit na Angatenyo, habang naghahatid ng masayang libangan sa mga pamilya at mamamayang bumibisita sa Food Park.
Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang buong komunidad na dumalo at suportahan ang mga kalahok sa kani-kanilang pagtatanghal habang tumatangkilik sa mga lokal na kainan sa bayan.










Comments