top of page
bg tab.png

Edukasyon para sa Kalusugan ng Kabataan, Itinaguyod ng LGU Angat sa Angel M. del Rosario NHS

Oct 18
1 min read


Matagumpay na isinagawa ang SHAPE-A (Sexually Healthy and Personally Empowered Adolescent) Symposium nitong Oktubre 16, 2026, sa ganap na ika-1:30 ng hapon sa Angel M. del Rosario National High School sa Barangay Pulong Yantok, Angat, Bulacan.


Ang programa ay bahagi ng Adolescent Health Development Program ng Municipal Population Development Office, katuwang ang Municipal Health Office at ang Philippine National Police.


Dinaluhan ng mga mag-aaral sa Grade 10 ang ginanap na talakayan na nakatuon sa pagbibigay ng gabay at wastong kaalaman ukol sa Anti-Bullying and Safe Spaces Act, pangangalaga sa Mental Health, at mga hakbang sa pag-iwas sa Teenage Pregnancy.


Ayon sa lokal na pamahalaan at Angat RHU, ang mga ganitong serye ng simposyum sa mga pampublikong paaralan ay naglalayong patuloy na protektahan, gabayan, at paunlarin ang kapakanan ng mga kabataang Angatenyo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page