top of page
bg tab.png

EARLY WARNING SYSTEM IEC CAMPAIGN NG MDRRMO, ISINAGAWA SA BRGY. MARUNGKO


Isang mahalagang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign ukol sa Early Warning System ang matagumpay na isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) noong Hulyo 9, 2026, sa Barangay Marungko Covered Court.


Layunin ng nasabing oryentasyon na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga residente at lokal na opisyal sa mga uri ng babala at senyales tuwing may darating na sakuna o kalamidad.



Sa tulong ng mga kinatawan mula sa MDRRMO, ibinahagi sa pamayanan ang mga dapat gawin, tamang pag-unawa sa mga babalang ibinababa ng pamahalaan, at ang mabilisang pag-likas sakaling kinakailangan.


Binigyang-diin ng pamunuan ng Barangay Marungko ang kahalagahan ng ganitong mga edukasyonal na programa upang masiguro ang kaligtasan at zero-casualty sa buong komunidad sa panahon ng emergency.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page