top of page
bg tab.png

Angat People's Council, Pormal na Inilunsad


Pormal na inilunsad noong ika-02 ng Disyembre, 2022 ang Angat People's Council, isang lupon na binubuo ng mga organisadong samahang mula sa iba't ibang sektor sa Bayan ng Angat na magsisilbing katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pagbuo ng pangkalahatang direksyon ng mga polisiya at programang isasakatuparan sa nasabing bayan.


Isa ang Rotaract Club of Angat sa mga organisadong samahan na naanyayahang makilahok sa nasabing People's Council.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ng Punong Bayang ng Angat, Kgg. Reynante "Jowar" S. Bautista, ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga ordinaryong mamamayan sa pagbuo ng isang progresibong bayan.


Sa punto naman ng pangkalahatang talakayan, ipinaabot din ni Pres. Rafael Miguel Santos Flores sa mga bumubuo sa Pamahalaang Bayan ang mga isyu at suhestyon tulad ng pagkakaroon ng CCTV sa mga lansangan at pampublikong lugar para sa kaligtasan ng lahat lalo na ang mga kabataan, pagbubukas sa publiko ng mga talakayang pampamahalaan sa pamamagitan ng social media tulad ng Facebook Live at ang pagiging digital o electronic ng mga transaksyon sa Munisipyo.


8 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page