Isinagawa noong Oktubre 04, 2023 sa Sulucan covered court ang unang batch ng DSWD AICS Payout at ang ikalawang batch naman ay isinagawa ngayon sa bagong renovate na Angat Municipal Gymnasium kung saan may kabuuang bilang na 1,500 magaaral ang naging benepisyaryo.
Nakiisa sa programa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at Sangguniang Bayan Members ABC Kap Eric Cruz.
Pinaaabot ng Pamahalaang Bayan ang masiglang pasasalamat sa ating minamahal na kinatawan, si Cong. Salvador Pleyto sa patuloy at walang sawang pag-aalaga at pagpapabuti ng mga programa na patuloy na napapakinabangan ng bawat sektor sa ating bayan ng Angat. Ang iyong dedikasyon at serbisyo ay naging haligi ng aming komunidad at ito ay patuloy na nagbubukas ng mga pinto para sa mas marami pang oportunidad at kaunlaran sa mga mamamayan ng Angat.
Comentarios