top of page
bg tab.png

Dragon Fruit Farming sa Angat, Binista ng BPLO at mga Kaagapay na Tanggapan


Isang inspeksyon at konsultasyon ang isinagawa ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) Angat sa Bulacan Dragon Fruit Depot na matatagpuan sa Barangay Pulong Yantok upang siyasatin ang patok na industriya ng dragon fruit farming sa bayan.



Nakipagpulong ang pamunuan sa mga ari ng nasabing pasilidad na sina Mr. Kevin Eliscupides at Ms. Jen Punzalan. Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga plano at ideya upang mas mapalawig pa ang produksyon at distribusyon ng dragon fruit sa Angat at sa buong lalawigan ng Bulacan.


Napatunayan ang tagumpay ng nasabing negosyo sa pamamagitan ng mga sumusunod na detalye:

  • Pangunahing Market: Kasalukuyang nagbabagsak ng mga produkto ang pasilidad sa mga kilalang commercial center tulad ng S&R, Landers, at iba pang malalaking establisimyento.

  • Tanyag na Bisita: Dinadayo rin ang farm ng mga kilalang personalidad kabilang sina Sen. Ping Lacson at ang mga artistang sina Coco Martin at Julia Montes.


Inilatag din sa pagpupulong ang pagbuo ng mga bagong proyekto para sa paglikha ng karagdagang negosyo, produkto, at trabaho, kasabay ng pagbibigay ng suporta sa mga lokal na magsasaka. Ang mga hakbang na ito ay bahagi rin ng paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa itataguyod na Pasalubong Center sa bayan ng Angat.


Nakiisa sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa BPLO Angat, Local Economic Development Investment and Promotion Office (LEDIPO), Municipal Tourism Office, Municipal Agriculture Office, at Negosyo Center Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page