Donacion, Pinatibay ang Kampanya sa Kalusugan sa Ginanap na Weekly Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Sa hangaring mapanatili ang isang malinis at ligtas na komunidad, muling nagsagawa ng Weekly Clean-Up Drive ang Barangay Donacion ngayong Sabado, ika-24 ng Enero, 2026.
Ang nasabing operasyon ay bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng Sangguniang Barangay upang siguruhing maayos ang mga daluyan ng tubig at malinis ang mga pangunahing kalsada sa bawat purok. Naging katuwang sa aktibidad ang mga barangay officials, mga tanod, at mga volunteer na residente na maagang lumabas bitbit ang kanilang mga kagamitan sa paglilinis.
Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa lahat ng nakiisa at muling nanawagan sa mga mamamayan na panatilihin ang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura upang maging matagumpay ang adhikain para sa isang "Luntiang Donacion."








Comments