DONACION BASKETBALL AND VOLLEYBALL LEAGUE 2026, BUBUKSAN NA!
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Handa na ang Barangay Donacion para sa opisyal na pagbubukas ng pinakaaabangang Donacion Basketball and Volleyball League 2026 na gaganapin sa darating na Sabado, Hulyo 25, 2026.
Magsisimula ang aktibidad sa isang grand opening parade ganap na 2:00 ng hapon kung saan magtitipon-tipon ang mga kalahok sa Old Court ng barangay.
Inaanyayahan ng pamunuan ng barangay ang lahat ng mga manlalaro, coaches, team officials, at mga tagasuporta na makiisa sa naturang parada bilang hudyat ng pagsisimula ng isang masaya, ligtas, at may mataas na antas ng sportsmanship na kompetisyon.
Ayon sa pamunuan, ang taunang ligang ito ay hindi lamang isang patimpalak sa isport kundi isang magandang pagkakataon din upang ipakita ang pagkakaisa, samahan, at pagmamalaki ng buong komunidad ng Barangay Donacion.
Inaasahang din na dadagsain ng mga residente ang Old Court upang suportahan ang kani-kanilang mga paboritong koponan sa parehong kategorya ng basketball at volleyball.









Comments