DOLE at Lokal na Pamahalaan, Nagsagawa ng Orientation at Contract Signing para sa SPES 2026
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Pormal nang sinimulan ang pangarap ng tatlumpu’t limang (35) mag-aaral at out-of-school youth sa Bayan ng Angat matapos ganapin ang Orientation at Contract Signing para sa Special Program for Employment of Students (SPES) 2026 ngayong Miyerkules, ika-1 ng Abril, 2026.
Ginanap ang aktibidad sa New Municipal Building Auditorium sa Celestial City, San Roque, kung saan masayang tinanggap ng mga benepisyaryo ang pagkakataong makapagtrabaho ngayong bakasyon. Ang SPES ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong tulungan ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante at dependents ng mga na-displace na manggagawa na makapag-ipon para sa kanilang pag-aaral.
Ang inisyatibong ito ay buong pusong sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Reynante S. Bautista. Ayon sa Punong Bayan, ang karanasang makukuha ng mga kabataan sa loob ng munisipyo ay hindi lamang tungkol sa sahod, kundi tungkol sa paghubog ng kanilang karakter at paghahanda sa tunay na mundo ng pagtatrabaho.
Ipinapaabot ng Lokal na Pamahalaan at ng Public Employment Service Office (PESO) Angat ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa DOLE Regional Office III, partikular na kay Regional Director Geraldine Panlilio, sa patuloy na pagtitiwala at suporta sa mga programa para sa kabataang Angatenyo.









Comments