Diwa ng EDSA, Ginunita ng Pamahalaang Bayan ng Angat; Pagkakaisa at Malasakit, Binigyang-diin
- Angat, Bulacan

- 15 hours ago
- 1 min read

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong ika-25 ng Pebrero, 2026. Sa isang pahayag, binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pagkakaisa at pananagutan sa pagtataguyod ng tunay na pagbabago sa bansa at sa lokal na komunidad.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, ang diwa ng EDSA ay nagsisilbing paalala na ang tunay na lakas ng isang nasyon ay nagmumula sa nagkakaisang mamamayan. Hindi lamang ito isang bahagi ng kasaysayan, kundi isang buhay na inspirasyon na ang pag-angat ng bawat Angateño ay nakakamit sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at malasakit sa kapwa.
Layunin ng paggunitang ito na muling pukawin ang damdamin ng mga mamamayan para sa isang mas maunlad, inklusibo, at matatag na pamayanan. Nanawagan ang pamunuan sa bawat isa na maging bahagi ng solusyon at patuloy na itaguyod ang mga demokratikong mithiin para sa kinabukasan ng bayan.









Comments