top of page
bg tab.png

Division Orientation at Kick-off Ceremonies para sa 2024 Reading Program, National Learning Camp, at Iba pang End-of-School-Year Break Activities, Ginanap sa Angat Gymnasium

Ginanap sa Angat Municipal Gymnasium ang Division Orientation of Learning Camp Volunteers (LCVS) at Kick-off Ceremonies para sa 2024 Reading Program, National Learning Camp, at iba pang end-of-school-year break activities. Layunin ng programang ito na matulungan ang mga kabataan sa pagpapalawak ng kanilang kakayahan sa pagbabasa at masigurong mas tumaas ang kalidad ng edukasyon.

Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang masuportahan ang mga mag-aaral upang maiangat ang kanilang kasanayan sa pagbabasa at makamit ang mas mataas na antas ng pagkatuto.


Dinaluhan ang nasabing programa ng mga kilalang opisyal at mga guro mula sa iba't ibang distrito. Kabilang sa mga dumalo ay sina:

-Dr. Perlita Pagdanganan at Dr. Joel Vassalo (Division Supervisor)

-Angelita Baltazar (District Supervisor-Angat)

-Dr. Nora Manalo (District Supervisor-Norzagaray West)

-Dr. Leonora Bergado (District Supervisor-Sta. Maria West)

-Dr. Esperanza Perez (District Supervisor-Pandi North)

-Dr. Teresita Alquira (District Supervisor-Pandi South)

Nagpakita rin ng buong suporta ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Ang kanilang pagdalo ay nagbigay inspirasyon at karagdagang motibasyon sa mga guro at volunteers na magpatuloy sa kanilang adhikain na mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa ating bayan. Kasama sa mga dumalo ay mga schoolheads at teachers-volunteers mula sa mga bayan ng Angat, Norzagaray, Sta. Maria, at Pandi.

1 view0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page