top of page
bg tab.png

Distribution ng PhilHealth Member Data Record/ ID’s sa 394 na Angatenyo



Pinangunahan ng ating Municipal Health Office ang Distribution of PhilHealth Member Data Record/ ID’s, kung saan nasa tatlong daan at siyamnaput apat (394) ang nakatanggap ng Philhealth ID.


Ibinahagi ng mga kawani ng PhilHealth ang mga benepisyong maaaring makuha at upang lubos na maihatid sa publiko ang mahahalagang impormasyon ng ahensya.


Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Kon. Blem Cruz, Kon. Wowie Santiago, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Darwin Calderon, kasama din ang ating Municipal Health Officer na si Dra. Guillerma Bartolome at mga kawani.


Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay nagpapasalamat sa mga kawani ng Philhealth na sina Mary Rose Cruz - Insurance Officer 3, Arlene Bartolome - Insurance Officer 1 sa pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman patungkol sa isinagawang programa.

3 views0 comments

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page