top of page
bg tab.png

Fertilizer para sa Magsasakang Angatenyo


Pinangunahan ng ating Municipal Agriculture Office ang distribusyon ng mga fertilizer na maaaring magagamit ng ating mga magsasaka para sa karagdagang nutrisyon sa kanilang mga pananim. Nakiisa sa programa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin at Sangguniang Bayan Members, Cynthia Tiemsin (Representative ng Provincial Agriculture) at Krismae Roise Santos (Representative of the People's Governor Daniel R. Fernando) na ginanap sa ating Municipal Evacuation Center.


Narito ang bilang ng mga benepisyaryo:

Marungko – 88

Sulucan- 104

Taboc – 78

Donacion – 91

Sto. Cristo – 5

Encanto – 23

Pulong Yantok – 9

Sta Cruz – 15

San Roque – 21

Niugan – 64

Laog – 75

Baybay – 22

Paltok – 16

Banaban – 29

Binagbag – 93

Sta. Lucia – 34

Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay laging nasa likod ng ating mga magsasaka sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura dito sa ating bayan. Sama sama nating payabungin ang lupang sakahan sa ating munisipalidad sa pamamagitan ng produktibong pamamaraan ng pagtatanim at mabuting mapamamalakad ng ating mga magsasaka upang mas makilala ang ating bayan sa ganitong larangan.


5 views0 comments

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page