Disaster Preparedness: MDRRMO Angat, Sinimulan ang Pre-positioning ng Rescue Boats at Generators
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng mahigpit na disaster preparedness para sa inaasahang pananalasa ng Bagyong #UwanPH, sinimulan na ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang pre-positioning at paghahanda ng kanilang mga kagamitan at resources.
Tiniyak ng MDRRMO na sapat at handa ang lahat ng supply, lalo na ang mga relief items na ipapamahagi sa mga pamilyang maaapektuhan at posibleng lumikas.
Inihanda ang Rescue at Relief Resources
Kasama sa mga sinuri ng Angat Rescue Team ang mahahalagang kagamitan na kritikal sa pagresponde:
Life vests
Rescue tube
Rescue Boats
Rescue rope
Mga generators
Bukod pa rito, nakipagtulungan ang MDRRMO sa Angat Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pagsusuri upang masiguro na kumpleto at sapat ang mga relief items para sa mga apektadong pamilya.
Ang publiko ay mahigpit na inaabisuhan na maging handa at mag-ingat sa inaasahang bugso ng Bagyong #UwanPH.








Comments