top of page
bg tab.png

Disability Rights Week


ree

Nagsagawa ng mga aktibidad ang Pamahalaang Bayan ng Angat kaugnay ng 47th National Disability Rights Week na may temang “Innovation for Inclusion: Building Inclusive Communities Together,”


Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang dalawang bahaging programa katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.


Nagsagawa ng talakayan ang MSWDO sa pamumuno ni Gng. Menchie Bollas upang palawakin ang kamalayan ng publiko ukol sa mga uri ng kapansanan.


Pinangunahan naman ni LDRRMO III talakayan Ma. Lourdes Alboroda ang talakayan hinggil sa kahalagahan ng disaster preparedness.


Layunin ng mga aktibidad na ito na bigyang kaalaman ang mga PWD at kanilang pamilya sa mga paraan ng pagharap sa iba’t ibang sitwasyong pangkalikasan at pangkalusugan.


Pinagkalooban din ang walong (8) Persons with Disability (PWD) ng Livelihood Assistance mula sa MSWDO para sa kanilang paggawa ng mga produktong tulad ng doormat, bag na yari sa beads, dishwashing liquid, detergent, keychain, at pot holder.


Nagsagaqa rin ng payout ng LGU-MSWD Educational Assistance para sa 176 na benepisyaryo. Ang mga nakatanggap ng ayuda ay binubuo ng mga magulang na PWD na may anak na nag-aaral, gayundin ng mga magulang ng mga batang may kapansanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page