top of page
bg tab.png

DILG Bulacan Provincial Team Conference, Matagumpay na Isinagawa sa Bayan ng Angat

Nito lamang huling araw ng Nobyembre, naganap ang inisyal na yugto ng DILG Bulacan Provincial Team Conference sa ating bayan. Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang clean-up activity na isinagawa sa Sta. Lucia Bridge, na sinundan ng pagbibigay ng best practices mula sa LGU at DILG ng Angat.


Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga pinuno mula sa lalawigan ng Bulacan, kabilang si Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia CESO V, kasama ang mga kinatawan ng DILG. Naroon din upang suportahan ang gawain ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Konsehal William Vergel De Dios at Konsehal Darwin Calderon.


Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, ipinakita ng lokal na pamahalaan ang kanilang suporta at pakikiisa sa mga programa ng DILG, naglalayong magtaguyod ng kaayusan, kaunlaran at malinis na kapaligiran hindi lamang sa bayan kundi sa buong Lalawigan ng Bulacan.

1 view0 comments

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page