top of page
bg tab.png

DILG at Pamahalaang Bayan ng Angat, Nagdaos ng Transition Orientation para sa BSKE 2026

2 days ago
1 min read

Isinagawa ng DILG Angat, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Angat, ang Barangay/SK Officials Transition/Turnover Orientation bilang paghahanda sa darating na 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Pinangunahan ni DILG Officer Ms. Cecilia R. Caburnay ang naturang oryentasyon na dinaluhan ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at mga kasalukuyang opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa buong bayan.



Tinalakay sa pagpupulong ang mga probisyon ng DILG Memorandum Circular No. 2026-021 ukol sa wastong imbentaryo at paglilipat ng mga ari-arian, financial records, opisyal na dokumento, at money accountabilities ng Sangguniang Barangay at SK. Binigyang-diin din ang mga dapat ihanda ng Barangay Inventory Team (BIT) at SK Inventory Team (SKIT) para sa maayos na transisyon.


Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang inisyatibong ito ay naglalayong tiyakin ang angkop na dokumentasyon, malinaw na pananagutan, at hindi mapaputol na paghahatid ng serbisyo publiko sa bawat komunidad sa kabila ng pagpapalit ng pamunuan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page