top of page
bg tab.png

Dignidad ng Mamamayan, Prayoridad: PNP Angat, Muling Nagpaalala sa Pagtataguyod ng Karapatang Pantao


Binigyang-diin ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kahalagahan ng pagiging isang makataong lingkod-bayan sa isinagawang Police Information and Continuing Education (PICE) nitong ika-25 ng Pebrero, 2026.


Sa isinagawang Daily Formation sa harap ng himpilan ng pulisya sa Brgy. San Roque, muling nagpaabot ng direktiba si Pat Murphy T. Caoile, ang Human Rights PNCO ng istasyon. Sa ilalim ng pamumuno ni PCpt. Jayson M. Viola, Officer-in-Charge (OIC), mariing ipinaalala sa bawat kawani ng pulisya ang kanilang sinumpaang tungkulin na respetuhin at itaguyod ang Human Rights sa lahat ng oras at sa bawat operasyon.


Ayon sa pamunuan, ang ganitong regular na paalala ay bahagi ng disiplina upang matiyak na ang bawat pakikipag-ugnayan ng pulisya sa publiko ay naaayon sa batas at may mataas na paggalang sa dignidad ng bawat indibidwal. Layunin nito na hubugin ang isang kapulisang hindi lamang matapang sa pagpuksa ng kriminalidad kundi mapagkakatiwalaan din bilang tagapagtanggol ng karapatan ng sambayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page