top of page
bg tab.png

Dialysis Center para sa Angatenyo, Itatayo na!


Sa panibagong taon na ibinigay sa atin sa paglilingkod, naisakatuparan na ang pagsisimula ng unang Dialysis Center dito sa ating bayan. Ito ay isa sa mga matagal ng pangarap ng ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista laan para sa mga mamamayang Angateños. Malaki ang magiging pakinabang nito sa ating mga Dialysis Patients na lingguhang bumibyahe upang tugunan ang pangangailangang medikal na isinasagawa pa sa ibang bayan.


Pinangunahan ni Rev. Msgr. Manuel B. Villaroman ang panalangin na sinundan naman ng pagbibigay ng mensahe nina Hon. Nerio Valdesco, Roberto L. Tugade, OD (Operation Manager, Renal Solutions Dialysis Center), Vice Mayor Arvin L. Agustin, at ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista.


Nakiisa din ang ilang mga Punong Barangay, mga Department Heads ng ating Pamahalaang Bayan at ang Sangguniang Bayan Members sa pagsaksi sa pagsisimula ng isa sa mahalagang proyektong handog para sa ating mga mamamayan.





64 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page