top of page
bg tab.png

Lupang Pagtatayuan ng Bagong Municipal Hall, Ipinagkaloob


Isinagawa ang Deed of Donation & Acceptance Signing (One-hectare lot for the new Angat Municipal Building)

Isa sa mga pangarap at mithiin ng ating punong bayan ang relokasyon at makahanap ng ideyal na lugar upang maging sentro ng ating Pamahalaan. Isang munisipyo na may malawak na espasyo upang kumportableng maaasikaso ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan gayundin ang patuloy na pagbibigay ng maayos na serbisyo publiko. Nabiyayaan din ang ating bayan ng mga taong nais tumulong upang maisakatuparan ang lahat ng mga pangarap na ito.

Lubos po ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa kabutihang loob ni Former Mayor Celestino Marquez at Pamilya sa kanyang pagkakaloob ng isang ektaryang lupa para sa pagtatayuan ng bagong Bahay Pamahalaan.

Nakiisa din sina Vice Mayor Arvin L. Agustin, Sangguniang Bayan Members, Municipal Administrator Noel C. Alquino, mga Department Heads, Angat PNP at Angat BFP pati na rin ang mga Punong Barangay dito sa ating bayan na isinagawa sa Municipal Conference Hall.


4 views0 comments

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page