Memorandum No. MTFRB 23-001
To: Lahat ng Operator at Drayber ng Traysikel sa Bayan ng Angat
From: Vice Mayor Arvin L. Agustin (MTFRB Chairman)
Date: March 22, 2023
Subject: Deadline ng Rehistro ng Motorized Tricycle and Operator's Permit (MTOP)
Pinapabatid po sa lahat ng drayber at operator ng mga trysikel na nasasakupan ng Munisipalidad ng Angat na ang deadline ng pagrerehistro ng MTOP ay hanggang sa Marso 31, 2023.
Ang hakbang na ito ay ginawa upang maisaayos ang pangkalahatang kaayusan sa ating Bayan. Layunin nito na magkaroon ng listahan na magsisilbing talaan ng lahat ng operator at drayber ng triysikel.
Ang inyong kooperasyon at pang-unawa ay inaasahan upang maisakatuparan ang layuning ito.
コメント