Daycare Children Mula 16 na Barangay, Nagtagisan sa Paligsahan ng Tula Bilang Bahagi ng Children's Month
- Angat, Bulacan

- Nov 3
- 1 min read

Bilang panimulang aktibidad sa pagdiriwang ng ika-33rd National Children's Month, isinagawa ang isang paligsahan sa pagbigkas ng tula na nilahukan ng mga daycare children mula sa iba't ibang barangay ng Angat.
Ginanap ang patimpalak ngayong umaga, kung saan binigkas ng mga bata ang tulang pinamagatang "BATANG MUNTI" na isinulat ni G. Jojo Roxas. Ayon sa post ng MSWD Angat, nilahukan ito ng mga daycare children na kumakatawan sa 16 na barangay ng bayan.
Nagpaabot ng pagbati ang tanggapan ng MSWD sa lahat ng nanalo at nakilahok sa kumpetisyon.
Pinuri rin at pinasalamatan ang mga guro at magulang na matiyagang nagturo at gumabay sa mga batang nagpakita ng kanilang talento sa murang edad.








Comments