Dating Municipal Hall, Binibigyang-Buhay Bilang ‘Casa de Angat’ Civic and Heritage Center
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Isang bagong pangkulturang landmark at sentro ng serbisyo ang unti-unti nang naitatayo sa puso ng bayan. Kinumpirma ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang patuloy na transpormasyon ng dating Municipal Hall upang maging Casa de Angat – Civic and Heritage Center.
Ang makasaysayang gusali ay muling binibigyang-buhay upang magkaroon ng panibago at mas malawak na layunin bilang sentro ng kasaysayan, kultura, kaalaman, at pampublikong serbisyo para sa mga Angateño at mga bisita.
Sa oras na matapos ang proyekto, ang Casa de Angat ay magiging isang one-stop hub kung saan pagsasamahin ang sining, komersyo, at serbisyong pampubliko. Inaasahang matatagpuan sa loob nito ang mga sumusunod:
Museum at Public Library: Upang payamanin ang kaalaman ng kabataan at itampok ang makulay na kasaysayan at kultura ng Angat.
Café at Pasalubong Center: Para sa pagtangkilik sa mga lokal na produkto, kape, at delicacies na gawa ng mga Angateño.
Banking Services at Trial Court: Upang ilapit sa mga mamamayan ang mga legal at pinansyal na transaksyon sa mas madaling lokasyon.
Ayon sa pamahalaang lokal, ang proyektong ito ay patunay ng pagpapahalaga ng bayan sa kanyang pinagmulan habang sumasabay sa pag-unlad ng modernong panahon. Inaasahan na ang Casa de Angat ang magiging bagong mukha ng turismo at garbo ng bawat Angateño sa mga susunod na araw.









Comments