top of page
bg tab.png

Dalawang Most Wanted sa Bayan ng Angat, Naaresto sa Pinaigting na Manhunt Operation ng PNP

ree

CAMP GENERAL ALEJO S. SANTOS, MALOLOS, BULACAN — Sa pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, dalawang Most Wanted Persons (Municipal Level) sa bayan ng Angat ang matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa magkahiwalay na operasyon noong Oktubre 27, 2025.

Ang mga operasyon ay isinagawa alinsunod sa direktiba ng Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., at sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office.

Arrest of Top 9 MWP (Municipal Level)

Ayon sa ulat ni PCPT Jayson M. Viola, hepe ng Angat MPS, dakong 1:30 ng hapon ay isinilbi ang Warrant of Arrest laban kay Alias Jojo, 46 anyos, residente ng Brgy. Sulucan, Angat, Bulacan.Naaresto siya habang nakakulong sa Bulacan Provincial Jail, Capitol Compound, Malolos City, para sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).Ang warrant ay inilabas ni Hon. Adonis A. Laure, Presiding Judge ng RTC Branch 21, Malolos, para sa service of sentence.

Arrest of Another MWP (Municipal Level)

Samantala, bandang 8:00 ng gabi sa Brgy. Sta. Cruz, Angat, ay naaresto rin si Alias AA, 32 anyos, residente ng naturang barangay.Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 10(A) ng R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) batay sa warrant na inilabas ni Hon. Theresa Genevieve N. Co, Presiding Judge ng RTC Branch 17, Malolos City, na may rekomendadong piyansang ₱80,000.00.Si Alias AA ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Angat MPS para sa kaukulang disposisyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page