Dalawang Bagong Rescue Vehicles para sa Bayan ng Angat!
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read


Pormal nang tinanggap ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang dalawang bagong sasakyan na layong mas palakasin ang kakayahan ng bayan sa pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.
Ang mga bagong asset ay opisyal na pinasinayaan ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, na siya ring Pangulo ng Lupon ng MDRRM, kasama si G. Carlos R. Rivera Jr. (MGDH I - MDRRMO).
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga sasakyang ito ay binili sa ilalim ng pondo ng MDRRM Office upang masigurong mabilis at episyente ang serbisyo ng Angat Rescue Team, lalo na sa pag-abot ng tulong sa mga malalayong barangay. Binigyang-diin ni Mayor Jowar na ang pag-upgrade ng mga kagamitan ay mahalagang bahagi ng patuloy na pag-asenso ng bayan at pagtitiyak sa kaligtasan ng bawat Angateño.








Comments