top of page
bg tab.png

Dalawang Bagong Mag-Asawa, Pinagbuklod sa Bayan ng Angat


Pinagtibay ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista ang pag-iisang dibdib ng dalawang pares na bagong kasal na ginanap na opisyal na seremonya ng kasalang sibil sa Bayan ng Angat.


Ang mga bagong kasal na opisyal nang nagpalitan ng kanilang sumpaan ay sina:


  • Mr. & Mrs. Andrei at Mary Grace Lopez

  • Mr. & Mrs. Reegor at Trisha Nicole Calderon



Naging saksi ang lokal na pamahalaan sa mahalagang yugtong ito ng buhay ng dalawang magkapareha, kung saan ipinaabot ng punong bayan ang kaniyang taos-pusong pagbati at payo para sa pagbuo ng isang matatag at maunlad na pamilya.


Sa mensahe ng pamahalaang lokal, inihayag ang panalangin para sa isang masagana, masaya, at mapayapang pagsasama ng mga bagong kasal, kasabay ng paalala na panatilihing sentro ang Panginoon sa kanilang pagmamahalan at gawing inspirasyon ang isa't isa sa bawat araw.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page