Dalawang Bagong Mag-asawa, Pinagbuklod sa Bayan ng Angat
- Angat, Bulacan

- Feb 27
- 1 min read

Binigyang-halaga ng Pamahalaang Lokal ng Angat ang pagpapatatag ng pundasyon ng pamilya matapos opisyal na pagtibayin ni Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista ang pag-iisang dibdib ng dalawang pares ng magsing-irog kamakailan.
Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa tanggapan ng Mayor, ganap nang naging mag-asawa sina Mr. & Mrs. Joseph at Feresilita Callica at Mr. & Mrs. Mark Jason at Mary Grace San Jose.

Personal na pinangasiwaan ni Mayor Bautista ang pagpapalitan ng sumpa ng mga bagong kasal. Sa gitna ng seremonya, nagpaabot ng kanyang pagbati ang Punong Bayan at ipinaalala ang kahalagahan ng pagtutulungan at respeto sa loob ng tahanan.
Ayon sa pahayag ng Pamahalaang Lokal ng Angat, hangad nila ang isang maayos, matiwasay, at punung-puno ng pagmamahalan na pagsasama para sa mga bagong kasal.









Comments