Dagsa ng Tao Ngayong Sabado, Bantay-Sarado: MDRRMO Angat, Todo-Deploy sa mga ‘Hotspot’ Barangays
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Sa pagpasok ng Sabado de Gloria, muling itinaas ang antas ng pagbabantay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mga pangunahing kailugan ng Bayan ng Angat na dinaragsa ngayon ng libu-libong bakasyunista.
Sa ilalim ng adbokasiyang "Handa, Ligtas, at Panatag na Semana Santa 2026," tinutukan ng departamento ang apat na barangay na kinilalang "Hotspots" dahil sa dami ng mga dumadayo:
Barangay Sta. Lucia
Barangay San Roque
Barangay Sta. Cruz
Barangay Sto. Cristo
Dahil sa inaasahang dagsa ng tao ngayong weekend, hindi lamang pagpapatrolya ang ginagawa ng MDRRMO. Nagtalaga rin ang ahensya ng mga Standby Medics sa mga istratehikong lugar upang matiyak ang mabilis na pag-responde sa anumang medical emergencies, gaya ng pagkalunod, heat stroke, o minor injuries.
Patuloy ang direktang pakikipag-ugnayan ng mga responders sa mga pamilya at grupong naliligo sa Ilog Angat. Binibigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng pagmamasid sa lalim ng tubig at ang pag-iwas sa paglangoy kung nakainom ng alak. Sa pamamagitan ng aktibong presensya ng MDRRMO, layunin ng Lokal na Pamahalaan na mapanatiling payapa at walang sakuna ang pagtatapos ng Mahal na Araw sa bayan.









Comments