top of page
bg tab.png

Daan-daang Trabaho, Inilatag sa LRA ng PESO Angat at Elixer Cooperative


Isang malawakang Local Recruitment Activity (LRA) ang isasagawa sa PESO Office, New Municipal Building sa darating na ika-25 ng Marso, 2026, kung saan daan-daang bakanteng posisyon ang bubuksan para sa mga Angateño at karatig-bayan.


Sa pakikipagtulungan ng Elixer Multi-Purpose Cooperative, magiging tampok sa nasabing face-to-face job interview ang mga kilalang kumpanya gaya ng KFC Philippines, Mister Donut, at iba pang malalaking kumpanya sa sektor ng Manufacturing, Construction, at Poultry Farming.


Kabilang sa mga iniaalok na trabaho ang sumusunod:

  • Food & Service: 100 slots para sa Service Crew (KFC), Production Crew, Bakers, at Sales Promodizers (Mister Donut).

  • Construction: Higit sa 200 slots para sa mga Carpenters, Masons, Welders, Electricians, at Foremen.

  • Manufacturing: 200 Production Workers para sa battery manufacturing at 50 Food Handlers.

  • Poultry Farm: Iba't ibang posisyon para sa mga sites sa Sta. Maria, Bulacan at Amadeo, Cavite (Stay-in setup).

  • Office & Professional: Accounting Staff, HR Assistants, Office Clerks, at SAP Processors.


Ayon sa PESO Angat, ang inisyatibong ito ay naglalayong magbigay ng direkta at mabilis na pagkakataon sa mga aplikante—mula sa mga high school graduates hanggang sa mga college professionals—na makahanap ng matatag na kabuhayan. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng mga technical skills gaya ng NC II para sa mga espesyalisadong posisyon sa construction at maintenance.



Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page